Sunday, May 9, 2010

Philippine Elections 2010 - Boto Mo Ipinatrol Ko

Sa wakas ay magsisimula na ang halalan. Matapos ang iba't ibang pangyayaring gumimbal sa bayan, ano na kaya ang kahihinatnan ng lahat ng ito? Sino ang pipiliin ng taumbayan na mamuno at panghawakan ang pinakamakapangyarihang posisyon sa Pilipinas? Ano ang gagawin ni Juan kapagka nabatid niyang mali ang binoto niya? Paano kaya kung pansariling interes lamang ang inisip ni Juan?

Bago natin malaman ang lahat ng ito, alamin muna natin kung anu-ano ang mga kaganapang magaganap sa araw ng eleksyon. Ang pahinang ito ay magsisilbing koleksyon ng mga reklamo ng ating mga kababayan na aking makakalap sa iba't-ibang sulok ng bansa, sa tulong ng mga online na tanggapan ng mga pagpapatrol.

Ngayong araw na ito, magsisimula ang pagbabago. Ang boto mo, ipatrol mo, at ipapatrol ko din. Hindi pa huli ang lahat. Sana nawa'y matagumpay nating mailuklok ang mga lider na magdadala sa'tin tungo sa kaunlaran.

Boto Mo Ipinatrol Ko

No comments:

Post a Comment